Monday, April 25, 2011

There's always a first time...

Heto na! dahil sa mainggitin ako, I'll make one for myself (english kaagad) at happy naman ako. haha. Anyway, try ko lang magsulat nang kung ano ano. Teka lang, nag-ping yong manager ko. BRB!

Saglit lang talaga. naglolog lang ng time kasi importanti daw makita ng client na nagtatrabaho talaga ako. (everyday kasi dapat mag-log, e 2 weeks akong walang entries.haha).

I'm back! Actually may pending task pa akong dapat tapusin this day(workaholic 'no?). Dahil sa egg-cited ang kaibigan nyong magsulat ng first blog nya, kaya 'eto trying my best to write a sensible one(wala pa kahit isa). Sa ngayon wala pa akong maisulat talaga kasi naka vacation mode pa'ko kahit 5 days akong nawalay sa swivel chair kong sira(ito lang ata yong swivel na hindi umiikot). Anyway hwag nalang natin pansinin 'tong upuan kong sira kahit papaanoy naging parti rin naman sya sa career ko. I farted on him at hindi ko na mabilang. Nakaya naman nya kaya martyr sya kung baga. haha. San na nga ba tayo? Ito yong weakness ko when it comes to writing, I think faster than I type.(pa-genius lang). Kung minsan hindi na maintindan mga naisulat ko kasi magkaiba ng level ang thinking at writing skills ko.

Andami ko na tuloy naisip na isulat pero excited na to click the Publish Post button but saving it for the last.

Hindi ko talaga trip ang magsulat. Naiinis nga 'ko sa titser namin nong grade school kapag nagpasulat na ng kathang-pormal at di-pormal. Kaya ginawa ko, 'yong Panatang Makabayan o 'yong National Anthem nalang ang nilagay ko sa entry. haha. Tanga naman 'yong titser namin kasi hindi binabasa. Basta mataas lang naisulat mo 100% kaagad. Pero dito hindi siguro nagwowork ano? Try ko nga minsan. hehe.

Nabored ka na ba? Pasayawin mo nalang kasi ako. Walang masyadong magic sa pagsusulat ko. Hindi ako marunong pumili ng mga salita ng makakalaglag ng brep mo(darating din tayo dyan someday. haha).

I think that's enough for an entry level blog. Hindi ako masyadong nagprepare sa layout tsaka sa design. haha

Feel free to follow me on twitter: voljin